KATITIKAN NG PULONG PARA SA PREPARASYON NG CHRISTMAS PARTY 2025
Petsa: Ika- 12 ng Disyembre 2025
Saan: Saint Louis College- Cebu
Oras: 1:40 - 2:20
Presiding Officer: Teodoro Anthony Guido
Mga Dadalo:
Maspara, Angel Mae Programma
Blanco, Camryn Pagkain
Arcelo, Alyssa Mae Token
Tejana, Kyle Crystel Premyo
Raagas, Kurt Chauncey Palaro
Constantino, Maica Badyet
Pontrivida, Claire Dekorasyon
Mga Agenda:
Pagpaplano ng flow ng programa para sa Christmas Party
Pagdedesisyon kung sino ang gagawa ng pambungad at pangwakas na pahayag
Pag-aayos ng badyet
Pagpaplano ng mga laro
Pagpaplano ng mga tokens at mga premyo
Pagpaplano ng pagkain at tema ng programa
Paksa | Talakayan | Oras |
Flow ng Programa | Nagplano si Angel Maspara tungkol sa flow ng programa para sa Christmas Party. Pinili ni Angel na ang presidente ng klase ang magbibigay ng pambungad at pangwakas na pahayag. Napagkasunduan din ng mga dumalo ang pagkasunod-sunod ng mga palaro, anong oras sa pagkain at ang target na oras para matapos ang Christmas Party. | 1:40-1:45 |
Badyet | Si Maica ang in-charge sa pag-aayos ng badyet. Nag-usap sila tungkol sa pagpaplano ng badyet para sa programa.
Badyet para sa dekorasion: Php 1,000 Badyet para sa mga premyo: Php 1,000 Badyet para sa pagkain: Php 7,000 Badyet para sa mga tokens: Php 3,000 Badyet para sa venue: Php 20,000 | 1:45-1:55 |
Mga Laro para sa Christmas Party
| Nagplanohan ni Kurt ng mga laro para sa mga dadalo sa Christmas Party at sang-ayon ang lahat dito: Unang Laro: Newspaper Challenge Ikalawang Laro: Bring Me Ikatlong Laro: Find Your Partner Ikaapat na Laro: Guess the Lyrics Ikalimang Laro: Runway | 1:55-2:00 |
Tokens | Napagkasunduan ng lahat ang hinaing mungkahi ni Alyssa na ang token para sa bawat isa ay isang baso na may straw upang ito ay magamit sa mga darating na panahon. Nakapag desisyon na kung ano ang token para sa bawat isa ay Php 75, na katumbas ng Php 2,250 lahat. | 2:00-2:05 |
Pagbibigay ng Premyo | Pinili ni Tejana ang mga prizes para sa mga nanalo at napagkasunduan ito ng lahat: Mga tsokolate (Cloud 9, Beng-beng, Sneakers) Kendi Malaking premyo ay isang stuffed toy at Pringles.
| 2:05-2:09 |
Pagpaplano ng Pagkain | Pinangunahan ni Camryn ang usapan para sa pagkain at badyet para dito at iminungkahi niya na mag-catering services at sinang-ayunan ng lahat na kumuha ng catering services. | 2:09-2:11 |
Dekorasyon para sa Venue | Pinili ni Claire ang dekorasyon ng programa na snowflakes, garlands, Christmas Tree, at bulaklak naman ang ilalagay sa mga lamesa. Sumang-ayon ang lahat. | 2:11-2:17 |
Venue ng Christmas Party | Ang nakapag desisyon ang lahat na mag rent ng venue para sa Christmas Party sa Bai Hotel.
| 2:17-2:20 |
Inihanda ni:
Winny Pretzel C. Suson
Kalihim
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento